top of page

News Archives

SAGIP MIGRANTE

ree

Ilang oras pa lang mula ng dumating ang bagyong Opong sa bansa, napakalaking pinsala na ang nadulot nito sa Eastern Visayas at Bicol region.


Para sa nais magpa-abot ng tulong sa ating mga kababayan sa Pilipinas, maaaring ipaabot sa Sagip Migrante.


________________________________________


Habang ang gubyerno ng Pilipinas ay abala sa “hearing” ng mga sangkot sa malawakang korapsyon ng mga opisyales ng gubyerno at ng buong ahensya ng DPWH sa flood control projects, libo-libong mamamayang Pilipino ang nanganganib ang buhay sa gitna ng hagupit ni bagyong Opong. Ilang oras pa lang mula ng dumating ang bagyo sa bansa, malaking pinsala na ang nadulot nito sa Eastern Visayas at Bicol region.


Taon-taon, libo-libong kababayan nating ang binabaha, nawawalan ng tahanan at mahal sa buhay. Taon-taon, payaman ng payaman din ang mga kurakot sa gubyerno. Taon-taon, ang mamamayang Pilipino ang nagtitiis at nagdurusa sa epekto at hagupit ng iba’t ibang bagyo habang nagpapakasasa naman sa pera ng taumbayan ang iilan.


Hindi bulag, at lalong hindi pipi ang taumbayan sa bulok na sistema sa Pilipinas. Ang burukrata kapitalismo o ang paggamit ng kapangyariha sa gubyerno para magkamal ng yaman ang isa sa mga ugat ng sistemikong katiwalian at paulit-ulit na pandarambong sa Pilipinas. Kailangan natin itong ilantad at labanan.


Hanggat hindi naibabagsak ang burukrata kapitalismo sa Pilipinas ay hindi titigil ang pagbaha ng kahirapan at pagdurusa ng sambayanang Pilipino.##


 
 
 

© 2020 ND Media

bottom of page